To our valued customers, partners, and the general public:
Bilang Official na researcher and manufacturer ng mga kilala at pinagkakatiwalaang brands, nais naming magbigay ng pahayag hinggil sa mga kumakalat na misleading laboratory tests sa market.
Ang mga malicious posts na ito—specifically pointing to a certain laboratory in the Philippines—ay ginagamit ng mga fake accounts at mga kakumpitensya upang manira ng mga lehitimong produkto sa industriya. Bilang inyong researcher /manufacturer na mahigpit na sumusunod sa tamang supplement formulation, nais naming ilatag ang mga katotohanang ito:
Maling Parameters ang Ginamit sa Testing (Technical Incompatibility)
Nais naming bigyan ng diin: Maling-mali ang testing parameters na ginamit sa mga kumalat na lab results, kaya asahan na talagang babagsak o magkaka-error ang resulta.
Dapat malaman ng publiko na ang glutathione ay may iba’t ibang forms: Free Form, Reduced Form, Liposomal, at S-Acetyl Glutathione. Ang aming mga ginagawang produkto ay gumagamit ng form na hindi tugma sa panukat ng mga laboratoryo dito. Sa kasalukuyan, ang standard parameter na available sa mga laboratoryo sa Pilipinas ay para lamang sa Glutathione Reduced Form.
Mahigpit na ipinagbabawal sa siyensya ang paggamit ng testing parameter ng Reduced Form para sukatin ang Free Form , liposomal or s acetyl glutathione pang forms ng glutathione.
Magkaiba ang chemical processing at detection method ng mga ito. Para mas madaling maintindihan: isipin ninyo ang Vitamins A, B, C, at D. Pare-parehas silang vitamins, pero hindi mo pwedeng gamitin ang parameter ng Vitamin B para i-test ang Vitamin D. Kung ipipilit mong i-test ang aming brands gamit ang panukat para sa Reduced Form, natural na hindi ito made-detect at lalabas na bagsak ang resulta dahil mali ang ginamit na panukat sa simula pa lamang.
Saan Nanggaling ang mga Produktong Ipina-Test?
Isang napakahalagang katanungan para sa mga nagpa-test at nagpapakalat nito:
Saan ninyo binili ang mga produktong dinala ninyo sa laboratoryo?
Lahat tayo ay pamilyar na napakaraming nagkalat na pekeng produkto (counterfeits) online na pilit ginagaya ang aming mga brands.
Kung kaya nandyan ang non profit organization na Brand Verification upang matukoy ang mga shop na nagbebenta ng mga pekeng brands.
Ang Katotohanan sa Likod ng mga “Lab Reports”
Pansinin ninyo: Bakit palaging nakatakip o tinatago ang pinakababang bahagi ng Certificate of Analysis (COA) sa mga posts?
Dahil malinaw na nakasaad sa disclaimer ng mga laboratoryo na ang resulta ay para lamang sa specific sample na dinala ng nagpa-test, at mahigpit na ipinagbabawal gamitin ang naturang report para sa public marketing, advertisement, o paninira sa merkado nang walang opisyal na pahintulot.
Paano Malaman ang Totoong Glutathione?
Bilang kaalaman ng lahat, ang tanging universal characteristic ng totoong glutathione sa anumang form ay ang sulfuric smell (amoy asupre o parang bulok na itlog). Maaari itong maging slight o strong, pero palagi itong present dahil sa natural chemical structure nito.
LEGAL ACTION
Para sa mga nagpapakalat ng malicious intent para siraan ang mga brands at ang buong industriya, kasalukuyan na itong pinag-uusapan ng mga legal lawyers. Nakipagugnayan na po kaminsa laboratory test upang ma clarify po ang kanilang ginawang test para sa mga specific brands na hind enaman gumagamit ng reduced form na glutathione.
Pinagaaralan na namin agd ang mga possibleng legal action sa mga ito. Maging mapanuri sa inyong mga tinatangkilik at sumangguni lamang sa aming official pages para sa tamang impormasyon.
Asianwhiteskin
Legal Team






